Salamat, Sis Dely…



Marami ang nakakabasa ng SFC Newsletter na kamakailan lamang ay tinawag nating The Herald.  Maraming beses na nating nasilip kung paano nagbago ang ating newsletter sa bawat issue.  Ngayon  naman ay ating kilalanin ang isang member ng newsletter team na nagbigay buhay at pagbabago sa The Herald.  Sya si Dely Antolin, kilala ng lahat bilang Sister Dely, sa iba naman sya ang kapatid ni Ate Let.  Sa April 25, 2009 ay haharapin nila ni bro Erich ang bagong yugto ng kanilang buhay.

 

Nasa ibaba nito ang bahagi ng aming panayam kung saan mararamdaman natin kung paano binago ng SFC ang kanyang buhay:

 

Who invited you at SFC?  When was that?

  • Ate ko. Kakatapos din lang nila ng CLP nun. June 1999 pa yon.

 

Who is your inspiration at SFC?

  • Madami. Pero siyempre una na dun ate ko. Sobra kasing committed siya sa service nya, minsan hindi ko alam kung paano niya nahahati  yung time niya between work and SFC. Marami ding SFC akong nakilala na sobrang hanga ako sa service nila kay God, yun bang parang hindi sila napapagod. 

 

What made you decide to stay at SFC?

  • Si God, pati na rin yung kapwa SFC ko. Pati na rin ang iba’t-ibang experience ko dito sa SFC – minsan mahirap pero kadalasan masaya. Iba kasi yung samahan dito, hinding hindi mo makikita sa labas

 

What is the impact of SFC in your life?

  • It helped w/ my faith. Naging mas deeper ang faith ko kay God. Sobrang naiinspire ako sa iba’t-ibang kwento ng mga brothers and sisters natin, w/c somehow  served as inspiration para maging stronger ako sa pagharap sa mga problems at laging maging positive ang outlook.

 

What are your unforgettable moments at SFC?

  • Sobrang dami, mula pa lang sa pag-join ko sa  CLP hanggang ngayon, especially yung mga moment sa conference. Isa sa mga hindi ko makakalimutan ay yung first time kong umattend ng conference – yung Intimacy conference sa Baguio. First time ko din kasi nun sa Baguio kaya ang saya saya ko. At siyempre sobrang especial yung mga moment naming sa newsletter. Every meeting sobrang masaya at unforgettable talaga.

 

What are your advices to fellow SFC members?

  • Keep the faith. Hindi perfect ang community natin, pero kung naka-focus sila kay God, anumang imperfections na makikita nila ay magiging inspiration nila para itama ito or tumulong na mabago ito. Lagi lang nilang iisipin na everything has its  reason. May reason kung bakit sila tinawag ni God na maging bahagi ng SFC at maging inspiration sa kapwa SFC. 

 

Alam namin na mamimiss ka ng The Herald Reader’s at  siyempre ng Newsletter Team. Mamimiss namin ang mga light moment naten, ang food trip, mga jokes, senti times at marami pang iba. 

 

Hayaan mong magpasalamat kami sa iyo sa pagbabahagi ng iyong Time, Talent & Treasure.  Sa mga panahong busy halos ang lahat, mag-isa kang nagpupuyat para tapusin ang paglay-out at pati si Erich iniistorbo din namin madalas.

 

We know that God will bless you more and your married life.  Wala ka man sa SFC at sa Newsletter Team, hindi natatapos ang lahat.  Narito pa din kami, mga kaibigan mo na nagmamahal sayo.

 

We love you sis – Newsletter Team

0 comments: