Finally



“Sis, ikaw, kelan ka ikakasal?”. Sounds familiar ba? Yan kasi ang madalas na itinatanong sa ating mga sisters kapag napag-uusapan ang lovelife. Hindi na rin mabilang ang dami ng beses na itinanong sa akin yan. Ang madalas ko lang naisasagot noon, “Bukas na lang tulog na (o kaya busy) kasi si Father”. Hindi naman sa ayaw kong makasal, gusto ko lang talagang i-enjoy ang pagiging single ko at ang SFC. At dahil nga sa matagal na kami ng GG ko, madalas akong biruin ng newsletter team na dapat daw makasal na kami, yun daw kasi ang hudyat para makasal na din sila. At para pang minamadali ako. Hmmm…domino effect ba ito?

Kaya nga nung minsang nagmeeting kami (February 2009) at sabihing kong ikakasal ako, gulat na gulat sila. Ang bilis naman daw! April 25, 2009 kasi ang napili naming date ng kasal. Siyempre excited ako nun pero somehow malungkot din kasi nga iiwan ko na ang pagiging single. At ibig sabihin nun, iiwan ko na din ang SFC lalo na ang newsletter. Then na-realize ko, oh no, gone are the days na napupuyat ako dahil may meeting, pati na rin ang maraming pagkain at chikahan sa meeting. Naku, hindi na rin pala ako mape-pressure kasi wala pa akong article para sa Peekaboo eh bukas na ito due for release. Haay, ang dami-dami ko palang mami-miss. Willing na ba akong i-give up lahat ng mga ito kapalit ang bagong stage ng buhay ko kasama ang GG ko?

 

 

 

Pero naisip ko, siguro nga ito na ang tamang panahon, matagal na rin naman ako sa SFC at marami din akong experience dito na ite-treasure ko habang buhay. Masuwerte din ako at naging member ako ng newsletter team bago ako nagpakasal.

At ngayon nga, isa na akong maybahay. Tuluyan ko nang iiwan ang single life ko at haharapin ang married life. Well, hanggang ngayon hindi pa rin naman nagsi-sink in sa akin na misis na ako. Siguro dahil bago pa lang, feeling ko kasi mag-gg pa rin kami ng husband ko. Pero ganunpaman, may mga bagay na nakasanayan ko mang gawin dati ay hindi ko na siya gagawin ngayon. Isa na dyan ang pagsusulat para sa newsletter. Ito na marahil ang huli kong article para dito. At gaya ng nabanggit ko sa simula, mami-miss ko ito (hikbi).

Paalam and enjoy reading brothers and sisters!

*writer’s note: Finally… ang title ng article for 2 reasons:

1. Finally ikinasal din kami matapos ang maraming taon, at

2. Ito na ang final article ko for the newsletter

0 comments: