CLP Prepation SAP

by Cel Amoroso

CLP? Team Lead? How? Why me? mga tanong na aking nasabi when I was asked to Lead San Agustin Parish CLP with Brother Zander Abuyen.Pero True Enough, sobrang faithful si God saten. Kelan nya ba tayo pinabayaan? kelan nya tayo iniwan? walang sagot diba. Dahil never nya ginawa at gagawin yon kasi nga faithful God sya. May mga worries at takot din pero dahil alam kong nandyan lang si God, everything will be fine, kontrolado at planado nya lahat. Ang kailangan ko lang gawin ay makinig, sumunod at ihanda ang puso ko para sa service na ito.  Alam ko na hindi papayagan ni God na magkaroon ng mga sagabal sa mga CLP at sa buong service team.

Medyo nahuli ng konti sa preparation ang Team. Ganunpaman kampante ako at gaya ng nasabi ko kanina, kontrolado at planado na ni God.  Kaya namna ng makapag meeting na ang core team, tinalakay na namin ang lahat ng dapat pag usapan.  Una pinaliwanag ni Zander ang responsibilities ng bawat isa.  Nang sa akin na ang pinapaliwanag, nalaman ko at napatunayan na napakalaking responsibility ang gagampana ng isang team leader.  Nagkaroon na naman ako ng mga tanong.  “Paano ko gagampanan ang mga ito”?  Ako ang mag oversee sa mga sisters lalo na sa mga facilitators.   Isang malaking reponsibilidad ito kung aakuin ko mag isa.  But if I’ll ask the grace and wisdom of God, He will equiped me and fill me with love na pwede kong maibahagi sa mga ka sisters ko lalot higit sa mga participants.

 

Nang matapos kami sa aming core team meeting, agad kaming nag leafleting.  Sobrang nakakatuwa ang unang araw na iyon,  sinupotahan kami ni Bro Butch at ng pari ng SAP.  Sa line-up ng speakers, wala rin kaming naging problema.  Sobrang nakaka amaze si God.  Ang tanging concern na lang ng core ay ang pag buo ng CLP team at mga participants.  Pero hindi ito magiging hadlang bagkus patuloy pa kaming eencourage at maghihikayat ng mga singles para sumali sa ating community.

 

Sobrang salamt kay God sa pagkakataon para makapag serve sa Kanya patuloy na paghahandaan ng buong service team ang CLP’n ito.  At higit sa lahat ihahanda narin namin ang aming sarili at puso sa mga pagsubok.  TO God be the Glory.

 

0 comments: