ech yu ech yu ech yu.... (msg ko sa mga yahooroups)

huhuhu!!!
bakit ako umiiyak?
WALA NA AKONG CELLPHONE!

hahahahaha!
bakit ako tumatawa?
kasi nga WALA NA AKONG CELLPHONE!

malinaw ba?

pero, eto... seryoso na.......

mga kapatid,

sa teknolohiyang internetan nyo muna ako matatagpuan at maaambunan ng mga impormasyon sa kadahilanang ang aking selyular pown ay nawalang muli....

nawa'y magtsek ren kayo ng inyong mga inbaks araw araw nang sa gayon, bilang moderator ng mga pausong yahoogroups,
ay maambunan ko ren naman kayo ng mga mensahe mula sa langit tulad ng mga sumusunod:

1. GK Team (chapter reps) update-meeting once a month.
2. Dance Ministry Practice every Sunday (na palaging TBA ang oras at venue)
3. CYD plannings and team meetings (Arkong Bato and Caliwag)
4. Music Ministry infos
5. Atbpang mga pauso ko lang...

baydawey haywey...
sasabayan ko na ren ang pabugsu-bugsong ulan ng pabugsu-bugsong panawagan ng suporta:

1. GK Chapter Reps:

(a) sipagan pa natin sana ang pag-iinvite ng mga kachapter natin na
makiiisa sa mga programa ng GK naku lalong lalo na sa CYD dahil sa
kasabihang " ang kabataan ang pag-asa ng bayan; at ang mga SFC ang
inaasahan" (imbento ko lang yung kalahati)

(b) tuloy-tuloy pa ren ang ating suporta sa GK Tarlac kaya kung may
naiisip kayong fundraising maliit man o malakihan, i-suggest na natin
para makaipon tayo ng pangShare sa ating COMMITMENT na isa pang GK
House. (balita ko basang basa na ng ulan yung isang pamilya ng Aeta
dahil nga wala pang matuluyan, nasa imahinasyon pa lang natin yung
bahay nila...)

(c) calling the attention of Sta Rosa Chapter, punta tayong Arkong
Bato, tulungan natin si William. At makisaya ren tayo sa SAGIP at SIGA.
Ang saya dun sobra!!! =) mamili kayo. JOY or SORROW? hehehe.... ;-)

2. Dance Ministry:

(a) open pa, pwede pa sumali. text nyo lang ako... ay! wala na nga pala akong cellphone. sali na lang kayo sa sfc_centralb_ dancemin@ yahoogroups. com, okidok?

(b) Praktis sa Linggo: TULOY!
8am, magkita-kita tayo sa Jollibee PALENGKE. sakay lang ng jeep Pasig
Palengke at bumaba mismo sa tapat ng Jollibee. pasensya na sa mga
taga-taguig ha... Pinagbuhatan tayo. TBA ulit yung sureness. basta ako
bahala. =)

*Ate Emz, pwede ka pa ren magKerygma ng 12... kasi hanggang 11am lang tayo. ;-) pasensya na po ah...
*Kath at She,mga sistarets, may numbers kayo na ng lahat diba? patext naman sila.... porpabor bapor.... MARAMING SALAMAT!!!!

3. CYD SAGIP Team ng Arkong Bato!!!!!!!! !

(a) Syempre this Saturday, 1st week, Education tayo at ang team ng June ay Honesty!
may mga bibisitang PYC from ICC kaya sana naman may mga SFCs.. maraming
SFCs... silang makilala dahil ipinagmamalaki ko ang kadakilaan nyo sa
kanila.... baka pag 2 lang kami ni ate Jane dun, isipin nila, una,
magaganda pala ang SFC, pangalawa, dalawa lang pala ang SFC....

(b) Importante at nagmamadaling balita: PWEDE BA KAYO MAGHAUSHOLD THIS SUNDAY 8pm kina ATE BERNA?????
kailangang kailangan nyo magCOnfirm kung uura itong short notice na imbitasyon ng ating mga big Ate at big Kuya! =)
dahil KAILANGANG KAILANGAN natin mag pahinga sandali, magkamustahan, at
ibalik ang sigla at PAG-IBIG sa ating service at sa ating BIG BOSS in
heaven. ;-) text na lang kay kuya Julius, or Kenji kung sino ang
darating... sana sana sana... biglang pumwede...

4. Music Ministry:

nalalapit na ang kauna-unahan for the year, na music min sector assy, workshop at empowerment! ihanda na ang mga instrumento at ang inyong PUSO dahil kakausapin tayo ni God para ituro sa atin ang tamang tipa ng gitara, tamang paghawak ng mikropono, tamang chords... at higit sa lahat, tamang attitude at tamang focus sa pagseserve sa music ministry na tatawagin na nating WORSHIP MINISTRY.... ;-) cool diba???

5. At sa ATBPang pauso ko lang, UKAY-UKAY items baka meron kayo, maghalungkat na kayo at iplastik nyo na, tapos text nyo na lang si Kenji para makolekta namin at maibenta... ang proceeds nyan ay mapupunta sa pambili ng pandenyog at juice at iba pag pwede ipameryenda at ipamigay sa mga batang aalagaan natin sa GK Caliwag.... (mahirap lang din kasi kaming mga nagpapauso, meron kaming oras at drive na mailalaan, pera wala... hehe! we need your help! sawamat!!! text na!!!)

************ ***

whew!!!!!!!! !!
ang dami noh???
inisang sulat ko na lang, dahil nakikiinternet lang ako hehehehe....
sayang kasi yung P15 para sa isang oras, pamasahe ren yun sa trysikel papuntang ICC, ahehehe!!!

************ **

at nananawagan na ren ako, baka may cellphone kayo kahit hugis sabon, at kasing laki ng wireless landline, basta tumutunog at magagamit sa komunikasyon. .. ibenta nyo na lang sakin.... babayaran ko kahit magkano wag lang lalagpas ng bente pesos... (joke)

wala na akong masabe.... babalik ren yun... sabi nga sa Habbakuk 2:3... if it delays, just wait, It will surely come.

************ **

PLS PASS sa mga chapter yahoo groups nyo.. (ha, pareng jerry? =p wabyu!)

************ ****

GOD BLESS US all....